Una sa Balita

Joe Jonas, Sophie Turner sa Maldives nagha-honeymoon

0 263

Pagkatapos ng bonggang wedding nina Joe Jonas at Sophie Turner sa France, nag-honeymoon naman sila sa luxurious Soneva Fushi Resort sa Maldives.

Located sa Kunfunadhoo Island ang resort na tinuluyan nila Joe at Sophie at ang price per night ng kanilang beachfront villa ay $1,400 to $28,000. Most of the villas come with private pools.

Nai-share sa Instagram ni Joe ang isang video na sinubukan niya ang water slide ng resort na naghagis sa kanya sa dagat.

Si Sophie naman ay pinost sa I­nstagram ang magandang paligid ng island at nilagyan niya ito ng caption na “Paradise. Such a magical place #discoversoneva.”

Nag-share din sila ng pics na kumakain sila sa restaurant ng island na Out of the Blue kunsaan kumain sila ng sushi. May photo rin sila na nagre-relax sa attached floor hammock above the water.

Ang iba pang celebrities na nakapagbakasyon na sa Soneva Fushi Resort ay sina Salma Hayek, Javier Bardem and Penelope Cruz, Katy Perry and Orlando Bloom, at ang Royal Couple na sina Kate Middleton and Prince William. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy