Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi, Zanjoe lampungan naka-1M na

0 425

Sabik na sabik na ang mga manonood ng “The Broken Marriage Vow” sa inaabangang “bed scene” nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo. Imagine, teaser pa lang nila ay mahigit 1M na ang bumoso sa kanila, sa loob lang ng tatlong oras, ha!

“Babalik na ang gigil niyo, dahil parating na tayo sa exciting part! Mas mapusok, mas eskandaloso, mas kontrobersyal, at mas exciting ang mga ganap sa bago nitong oras,” post ng Dreamscape Entertainment sa kanilang socmed account, at mapapanood nga ang serye ng 9:20 PM simula Mayo 16.

Napanood sa teaser ang mainit na komprontasyon ng dating mag-asawa na sina Jill (Jodi), David (Zanjoe) kung saan pareho silang naghuhubad ng damit habang naghahalikan at hinahatak ni Jill si David papasok ng kwarto.

“Huwag ka nang magkunwari David, gusto mo pa rin ako,” sabi ni Jill.

“Sa’yo nagsimula ang nangyari, ikaw ang may gusto noon,” sagot ni David.

“At sino ngayon ang naghahabol?” sey ni Jill sa kanyang ex.

Pinasilip din ang kumprontasyon ni Jill at ng bagong asawa ni David na si Lexy (Sue Ramirez), kung saan ilalantad ni Jill na may nangyari sa kanila ni David.

Naloloka at gigil na gigil ang netizen sa mga pasabog na bagong eksena. Ito na nga ang simula ng paghihiganti ng mga ex.

“Ang yummy ng next episode. Makikipagsabayan na ang ex. Laban mga Ex na Niloko!” sabi ni Xia.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, Viu. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.