Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi wawasakin si Iza

0 104

Matapos magtayo ng isang kumpanya para labanan ang Ceñidoza’s Pearls, nagbabalik si Jodi (Marissa) para tuluyan nang wasakin ang buhay ni Iza (Ellice) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” na napapanood na sa A2Z channel sa digital TV boxes gaya ng TVplus.

Ibinulgar na sa episode nitong Biyernes (Nov. 20) na si Marissa ang may-ari ng La Sierra. Kahit wala pa siya sa bansa, pinaramdam na niya kay Ellice ang hagupit ng kanyang paghihiganti matapos kunin ang kumpanya ni Gabriel (Sam Milby) bilang contractor ng branches nito, na siya naman naging mitsa ng away ng mag-asawa.

SM food to go Banner Ad

Sa huli, nagkaayos namang muli ang dalawa at naisipan ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.

Maging matagumpay kaya ang paghihiganti ni Marissa? Maunsiyami kaya ang plano ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pagsasama nila ni Ellice?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay napapanood gabi-gabi (8:40 PM) sa A2Z channel. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.