Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi walang respeto — Claudine

0 402

Diretsahang sinabi ni Claudine Barretto na hindi ibinigay ni Jodi Sta. Maria ang respetong tawagan siya tungkol sa love affair nito kay Raymart Santiado.

Itinanggi ni Claudine ang lumabas na balitang tumawag sa kanya si Jodi para ipaalam ang tungkol sa kanila ng ex-husband niyang si Raymart.

Hindi raw totoo na ‘nagpasintabi’ sa kanya si Jodi dahil hindi nga siya tinawagan ng huli, na itinuturing pa naman niya na close friend.

Ayon kay Claudine, kinuha niya ang numero ni Jodi kay Raymart at siya mismo ang tumawag sa aktres. Maayos naman daw ang naging pag-uusap nila ni Jodi.

SM food to go Banner Ad

Pero nagkaroon ng problema nang hindi nasunod ang pinag-usapan nilang tatlo nina Raymart at Jodi.

Dalawa ang naging maanghang na linya ni Claudine kay Jodi, at ‘yon ay “’Yung respetong hindi niya ibinigay sa akin,” na tungkol sa hindi pagtawag sa kanya ni Jodi, at ang rebelasyon niyang ‘hindi maayos’, na ang ibig sabihin ay ang estado ng samahan nila nina Raymart at Jodi.

Kaugnay naman sa kaso ni Claudine kay Raymart, tuloy ang hearing nila, na ang dahilan ay tungkol sa suporta ng aktor sa kanilang mga anak.

Anyway, pumirma nga ng kontrata si Claudine sa film company ni Atty. Topacio. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.