Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi, Thirdy nagdusa sa Tanzania

0 290

Hindi biro ang hirap na pinagdaanan ng mag-inang Jodi Sta. Maria at Thirdy Lacson sa unang byahe nila sa panahon ng pandemya. Nag-travel ang dalawa sa Tanzania para ma-experience ang safari adventure.

Nasa YouTube channel ni Jodi ang journey ng kanilang paglalakbay, na kung sanay ka sa hassle-free trip ay hindi mo na nanaisin pang mag-travel.

Una, mahabang oras ang byahe ng mag-ina sa eroplano sa tatlo o apat na beses nilang carrier-transit.

SM food to go Banner Ad

May mga pinagdaanan din silang swab test bago sila umalis ng Pilipinas at sa isang lugar na pinuntahan nila na COVID-19 free.

Nakakapagod ang travel na ito ni Jodi sa ibinahagi niyang mga edited scenes para kumasya sa kalahating oras na vlog.

Pero malaking tulong ito sa mga nagnanais na maglakbay abroad para sa mga kinakailangang pagdaanang health protocols sa mga bansang pupuntahan at lay-over.

Well, mas maganda nga na magpahinga na muna sa bahay, di ba? (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.