Una sa Balita

Jodi nagdarasal na ‘di maipasara ang Kapamilya Network

0 414

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTumanggi munang magsalita si Jodi Sta. Maria sa napapa-balitang posibleng pagpaparalisa o hindi pag-apruba sa franchise o license to air ng ABS-CBN sa susunod na taon (2020) dahil sa sinasabing utang nito sa gobyerno.

Sa pinakahuling tsika namin kay Jodi ay sinabi niyang hindi siya makapagbigay ng opinyon tungkol dito lalo at hindi siya kabilang sa ma-nagement team. Pero maigting ang paniniwala ni Jodi na gumagawa na ng paraan o solusyon ang pinagsisilbihan niyang istasyon sa isyu na ito.

Ang tanging magagawa lang niya ay ang ipagdasal na sana ay hindi magkaroon ng aberya ang pagri-renew ng franchise nito para na rin sa kapakanan ng mga nakararaming umaasa ng kanilang ikinabubuhay mula sa istasyon.

Ayon pa rin kay Jodi, sa ngayon ay gagawin lang niya ang mga commitment niya sa network at sa iba pang mga trabahong related sa pagiging isa niyang aktres at talent ng Kapamilya.

Nagpahayag ng kanyang malaking pasasa­lamat si Jodi sa walang patid na tiwalang ibinibigay sa kanya ng network, mula nu’ng magsimula siya hanggang sa kasalukuyan.

Robin anak ang turing kay Aljur

Anak na ang turing ni Robin Padilla kay Aljur Abrenica na asawa ng anak niyang si Kylie Padilla.

Matapos ang mahigit sa isang taong paninikis ni Robin kay Kylie dahil sa pagnanais nitong makasal muna ang anak at si Aljur, at nu’ng mangyari nga ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay buong puso na ngang tinanggap ni Robin si Aljur.

Sa kanyang Father’s Day post ay tinawag na “son” ni Robin si Aljur. Nag-post si Robin sa kanyang Instagram ng larawan ni Aljur.

Nakasaad sa caption ang pruwebang itinuturing na ni Robin si Aljur na anak.

“Happy Father’s day to you my sons Usama and Aljur.”

Hindi nagkaroon ng problema si Robin kay Queenie, dahil bukod sa Muslim ang napangasawa nito ay nagpakasal din agad ang dalawa.

Ang biological son ni Robin ay si Ali Padilla, na anak nito sa dating asawang si Liezl Sycangco.

Nasa Australia si Robin para sa 19th birthday ng kanyang anak at sa graduation ng isa pa niyang anak na babae na si Zherileen Padilla.

Sinabi ni Robin sa kanyang post na kanyang direktor ang anak, dahil nagtapos ito ng Filmmaking sa Australia kung saan ito naka-base, kasama ang ina nilang si Liezl.

Ritz ‘pag-aari’ na ng negosyante

Finally ay may nagpapatibok na ng puso ni Ritz Azul. Sa isang maikling tsikahan sa isa sa mga leading lady sa “Los Bastardos,” inamin niyang meron na siyang boyfriend.

Kakatapos lang ng presscon proper ng “KontrAdiksyon,” ang pelikulang pinagbibidahan ni Jake Cuenca at kinabibilangan din nina Ritz, Kris Bernal at Katrina Halili, sa direksyon ni Njel De Mesa, under Bell Films, nang maka­usap namin si Ritz.

Nahihiya pa noong una si Ritz na mag-share ng kanyang personal life, pero hindi ito nagdamot at sinabing “I’m seeing someone.” Isang non-showbiz businessman ang kasintahan ni Ritz.

Makikita sa photo gallery ni Ritz ang ilang larawan na may kasama siyang isang lalaki na nagngangalang Allan Guwi (@allan_guwi).

29-anyos na ang lalaki at base sa caption ni Ritz, sey nito “to someone I can lean on.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy