Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi, Ketchup sex scene ‘di ma-take ng mga netizen

0 106

Nilabas na nga ang iba pang mga karakter na eeksena sa teleseryeng ‘The Broken Marriage Vow’, na ang orig na title ay Doctor Foster, at ‘The World Of The Married’ naman sa Korea.

Sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla ang mga pangunahing karakter sa teleserye ng Kapamilya channel.

Pero, may dalawang karakter na tutol ang mga fan, lalo na sa mga nakasubaybay sa ‘The World Of The Married’.

Sa Korean version kasi, may matinding sex scene ang karakter na gagampanan ni Jodi at karakter ni Ketchup Eusebio. Napanood ko ang sex/bed scene na `yon ng dalawang karakter, at bongga `yon, dahil sobrang tindi, to the point na tila kumabayo pa si babae sa lalake.

Kung susundin nila ang nakasaad sa script, ganun na ganun ang gagawin ni Jodi kay Ketchup, ang pumatong at kumadyot-kadyot sa ibabaw ni Ketchup.

At doon nga tutol ang mga fan, na bakit napunta kay Ketchup ang role na `yon. Paano raw magiging kapani-paniwala ang maalab na lampungan ng bidang babae at ng karakter na gagampanan ni Ketchup? At ngayon pa lang ay hindi na nila ma-imagine, na magkakaroon nga ng matinding sex/bed scene sina Jodi at Ketchup.

“Nai-imagine ko pa lang, natatawa na ako!” sabi ng isang fan.

“Comedy pala ito. Si Ketchup at Jodi may bed scene! Hahahaha!” natatawang saad naman ng isa pang fan.

“Bakit kasi si Ketchup ang nilagay sa role na `yon. Oo magaling na artista si Ketchup, pero hindi siya bagay sa role na `yon!” hirit ng isa.

“Kaloka, makaka-sexy ni Jodi si Ketchup! Parang hindi ko keri. Matatawa ako!” saad pa uli ng isa.

Hindi rin daw bagay na si Ketchup ang asawa ni Bianca Manalo sa teleserye. Masyado raw matangkad si Bianca. At mahirap daw paniwalaan na ang tulad ni Ketchup pa ang manloloko ng isang magandang tulad ni Bianca.

Sa tingin ng mga fan, mas bagay pa kung si Joem Bascon ang nilagay sa role na `yon.

Naku, huwag muna nating husgahan si Ketchup, no! Abang-abang na lang muna tayo!

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.