Una sa Balita

Jodi feeling senti kay Thirdy

0 388

By Rey Pumaloy

Feeling sentimental si Jodi Sta. Maria recently dahil sa anak niyang si Thirdy, na makikita sa Instagram niya. Makikita sa photo na ginugupitan ang bagets.

Sa caption, inalala ni Jodi ang mga panahong kinakarga-karga pa niya ang anak at siya mismo ang pumipili ng mga damit nito.

Ngayon, ito na raw ang nagsasabi kung anong klaseng gupit ang nais niya, at ito na rin ang pumipili ng damit na gusto niyang suutin.

Dati, akay-akay nito ang anak sa paglalakad nila, pero ngayon ay halos magkasinglaki na sila.

Habang nakamasid sa anak na ginugupitan, nakaramdam ng pagka-miss niya sa mga toddler days at moment si Jodi. Natutuwa naman si Jodi sa paglaki ng anak lalo’t napakabait, smart at mapagmahal nito.

Sabi pa niya, mananatiling baby sa kanyang paningin at turing si Thirdy kahit magbinata na ito at tumanda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy