Una sa Balita

Jodi eeksena sa Hollywood

By
0 729
 
 

Excited ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria sa gagawin niyang Hollywood movie sa taong ito. Pero quiet lang si Jodi sa iba pang detalye ng naturang pelikula.

 
“May gagawin tayong international film very soon. Pero wala pa ako sa posisyon to spill the beans.
“But I am really praying about it. Hollywood levels!
 
“Masyado akong kinikilig kasi parang hindi ko alam kung paano sila kakaharapin. Baka ma-tongue-tie ako. Baka manganga ako, ma-starstruck ako,” tawa pa niya.
 
Kababalik lang ni Jodi mula sa Christmas and New Year vacation nila sa Europe ng anak niyang si Thirdy Lacson.
 
Request daw kasi ni Thirdy na sa Finland at Sweden sila magbakasyon dahil gusto nitong ma-experience ang husky sledding at ang sumakay sa reindeer sled.
 
“First time kaming makapag-try ng Husky Sledding and at the same time, we were able to drive a Reindeer Sled. We were able to get a Reindeer Driver’s License,” sey pa ni Jodi.
 
Bukod sa international film, tatlong pelikula ang gagawin ni Jodi: “Second Coming” with Marvin Agustin, “Man And Wife” ni Laurice Guillen at ang horror film na “Clarita.”
 
Balik taping na rin si Jodi sa Kapamilya serye na “Mea Culpa na eere” ngayong 2019. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy