Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jodi aliw mensahe kina Iwa, Pampi

0 102

Sobrang ideal nga ang relasyon nina Jodi Sta. Maria, Pampi Lacson, at Iwa Moto.

Alam naman ng lahat kung gaano ka-close sina Iwa at Jodi ngayon, kahit pa sabihin na si Jodi ay ex ng jowa ni Iwa ngayon, si Pampi nga.

Anyway, ang bongga ng pagbati ni Pampi kay Iwa para sa kanilang anibersaryo.

“My life is like a roller coaster ride with you mahal full of adventures and colorful. Ano kaya magiging itchura natin sa pictures kapag matanda na tayo mabubuhat mo pa kaya ako kagaya sa picture? Hehe… Happy 9th anniversary Mahal and thank you for taking good care of us always,” sabi ni Pampi.

Pero, marami nga ang mas natuwa noong mabasa naman ang mensahe ni Jodi para sa dalawa.

“Happy Anniversary @iampampi and @iam_iwa❤️ more years to come. Love love love lang always!” sey ni Jodi.

Oh, di ba? Bongga! Bukod kina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Michelle Van Eimeren, ang Jodi, Pampi, Iwa nga ang masasabing kahanga-hanga ang relasyon. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.