Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jobless sa Region 2 kumonti

0 133

Bumaba ang unemployment rate ng buong lalawigan ng Region 2 kung ikukumpara noong nakaraang taon, ayon sa Department of Labor and Employment-Region 2 (DOLE-R2).

Ayon kay DOLE-R2 information officer Chester Trinidad, sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate ay nasa 8.7% na lamang na mas mababa kumpara sa naitalang 15.6% unemployment rate noong 2020.

Malaki naman aniya ang itinaas ng employment rate sa nasabing rehiyon: mula sa 84.3% noong nakaraang taon ay nasa 91.2% na ngayong 2021.

Sinabi ng opisyal na malaki ang naitulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagluluwag ng mga restriksyon at pagbibigay ng ayuda at benepisyo sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Dahil dito, ani Trinidad, ang mga residente ay nakakabalik sa trabaho, nakapaghanap ng bagong trabaho, o nagnegosyo na. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.