Una sa Balita

Jobless Pinoy dumami, mga Tsino worker buhos pa rin!

By
0 570

NAGBABALA ang Ibon Foundation, isang non-government think tank sa luma­lalang ekonomiya sa bansa dala ng kawalan ng trabaho.

Ayon sa Ibon Foundation, komonti ang mga trabaho sa bansa simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na bago umupo si Duterte ay umabot sa 836,000 ang bagong trabaho kada taon ang kinakailangan sa bansa, ayon sa datos mula 2007 hanggang 2016.

Sa kabila ng kawalan ng trabaho, libu-libong Chinese ang nagtratrabaho sa Pilipinas ngayon.

Dagdag pa nito, hindi makatotohanan ang pinagmamalaki ng mga economic manager na may 825,000 bagong trabaho ang nagawa nu’ng 2018 dahil hindi nito kinonsider ang 663,000 trabahong nawala nu’ng 2017 na pinakamalaking bawas sa employment sa loob ng dalawang dekada.

Sa lagay na iyan, “padded” pa o nakakalinlang ang datos sa employment.

Sabi ng Ibon Foundation, ang binibilang lamang ng pamahalaan sa datos ng unemployment ay tanging ‘yung nasa 15-anyos pataas na naghahanap ng trabaho at maari na agad magtrabaho.

Hindi kinonsider ang programang K-12 kung saan dinagdagan ng dalawang taon ang basic education kaya hindi agad maisasama sa bilangan ‘yung mga gusto at kailangan nang magtrabaho.

Dahil dito, under reported ang unemployment sa bansa, sabi ng Ibon Foundation.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy