Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jobless na mister nagbaril sa ulo

0 94

Wala ng buhay nang matagpuan ng kanyang ina ang isang lalaki na umano’y nagbaril sa sarili dahil sa problema sa pamilya na sinabayan pa ng kawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Bandang alas 3:00 ng hapon nang malaman ng kanyang nanay na wala ng buhay ang 33-anyos na anak na nakahandusay sa kama nito sa Malabon City.

Kwento ng ina, nakalanghap siya ng mabahong amoy mula sa 2nd floor ng kanilang bahay kaya inusisa niya ito.

Laking gulat ng ginang nang makita ang anak na duguan at may tama ng bala sa kanang sentido.

Ayon sa ina ng biktima, lagi daw nagkukulong sa kuwarto ang anak simula nang magkahiwalay silang mag-asawa na sinabayan pa ng pagkakaalis nito sa trabaho.

Nakuha ng mga pulis ang cal. 38 sa gilid ng kama ni Charlie na siyang ginamit nito sa pagpapatiwakal. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.