Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jobless bumaba ng 3.7M sa luwag quarantine

0 116

Bahagyang nabawasan ang dami ng mga walang trabaho noong Mayo na nasa 3.73 milyon kung ikukumpara sa Abril na 4.14 milyon.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary and National Statistician Dennis Mapa, bumaba ang unemployment rate o ang bilang ng mga taong naghahanap ng trabaho kumpara sa kabuuang gustong magtrabaho sa 7.7% mula sa 8.7% noong Abril dahil sa pagluwang ng quarantine restrictions sa National Capital Region at mga karatig lalawigan.

Sabi ni Mapa, malaki rin ang binaba ng tinatawag na underemployment rate. Aniya, bumaba ang underemployment rate sa 5.49% nung Mayo, ang pinakamababa simula 2005.

Paliwanag niya, bumaba ang underemployment rate dahil dumami ang mga taong nagkaroon na ng full time na trabaho.

Dumami rin aniya ang trabaho sa wholesale and retail trade at repair ng mga motor vehicles ng 10.2 milyon at gayundin sa agriculture and forestry ng 9 milyon. Sa construction, 4.4 milyon ang nadagdag, 3.5 milyon sa manufacturing at transportation and storage, 2.9 milyon.

Sabi ni Mapa, ang paghihigpit sa paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan ang banta sa unemployment o kawalan ng trabaho. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.