Una sa Balita

Jobert Sucaldito lalabanan Nadine sa korte

0 860

Sa kabila ng isyung hinaharap ngayon ng Kapamilya network, isang post ni Jobert Sucaldito ang nakaagaw-pansin sa mga netizen sa social media.

Naglabas ng hinaing ang beteranong entertainment writer/reporter sa kanyang Facebook tungkol naman sa kanyang pinagdadaanan matapos pumutok ang isyu sa sensitibong topic na nabanggit niya kaugnay naman sa break-up ng JaDine.

“Painful but that’s the reality,” bungad ni Jobert.

“Mahirap kaya maging jobless for a month (‘di mo alam kung hanggang kailan – baka til the end of time) lalo pa’t breadwinner ka,” sabi pa niya.

Idinetalye pa ng entertainment writer ang mga kailangan niyang paggastusan o ang mga responsibilidad na mayroon siya kaya kailangan niya talaga ‘yung trabaho. Sa ngayon daw ay dinidiskartehan niya muna ang paraan para magkapera.

Sinabi pa niya na sumasailalim din siya ngayon sa imbestigasyon kaugnay sa nangyari sa radyo nang magbitaw ito ng sensitibong topic tungkol sa JaDine.

Kinuwento rin niya na tinext din daw siya ng mabuting kaibigan na Entertainment writer din na si Ambet Nabus at sinabing inaalok sa kanya ang “Showbuzz” which is ang kanyang segment.

“Imagine, parang buhay ka pa ay nililibing ka na nila. How heartless of these people, di ba?” madamdaming pahayag pa ni Jobert.

Labis na ikinalungkot ng Entertainment writer ang mga nagaganap ngayon, sabi niya.

Pero ayon pa sa kanya, ipaglalaban niya ito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More