Una sa Balita

Job fairs babaha sa Central Visayas

By
0 1

Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mas maraming job fair ngayong buwan upang magbigay oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho at nang mabawasan na rin ang unemployment rate ng bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mas maraming local at overseas-based na trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers sa job fairs na gaganapin sa Central Visayas sa buwan na ito.

“Kami ay masigasig na nagbibigay ng oportunidad sa mga nagha­hanap ng trabaho, lalo na sa mga bagong gradweyt. Ito ang aming paraan para maipaabot ang aming serbisyo sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang rehiyon,” sabi ni Bello.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni DOLE RO7 Regional Director Exe­quiel R. Sarcauga, ang lokal at overseas job fairs ay gaganapin sa lalawigan ng Cebu City.

Ang lokal at overseas job fairs ay gaganapin sa Cebu Provincial Capitol Social Hall sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City sa Marso 16-17. Ang iba pang job fairs ay isasagawa sa Cebu City Sports Center at Panphil B. Frasco Memorial Sports Complex sa Marso 18 at sa Mandaue City Sports Complex sa Marso 20.

Hinihikayat din ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na magpare­histro sa PhilJobNet (http://philjobnet.gov.ph) upang maiwasan ang pagkaantala kung pupunta sa job fair.

Pinaaalalahanan din na magdala ng 2×2 photos; original at photocopies ng kanilang pasaporte; curriculum vitae; NBI clea­rance; training certificate; certificate of employment; PRC license; diploma; at birth certificates.