Job fair para sa OFWs

By

Sinimulan kamakailan ang pre-re­gistration sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Bureau of Local Employment, DOLE-NCR at National Reintegration Center for OFWs (NRCO) para sa paghahanda ng livelihood job fair na gaganapin sa Marso 28 sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Agham Road, Quezon City.

Ang pangunahing makakabenepisyo ng Job-cum-livelihood Fair ay ang mga overseas Fili­pino worker (OFW) na naninirahan sa National Capital Region (NCR) at Regions 3 at 4-A at kasalukuyang nagtatrabaho sa mga sumusunod na kumpanya, KSA; Mohammed al-Mojil Group (MMG), Saudi Bin La­den Group of Companies (SBG), Saudi Oger Ltd. (SOL), Mohammad Hameed Al-Bargash&Bros. Trading& Construction, Aluminum Company (ALUMCO L.L.C.), Rajeh H. Al Merri Contracting & Trading Company, Fawzi Salah-Al Nairani Contracting Company, Arabtec Construction L.L.C. at Real Estate ­Development and Investment Company.

Lahat ng mga interesadong OFW mula sa mga nabanggit na kumpanya ay maaari nang mag-pre-register sa philjobnet.gov.ph. kung saan gagabayan sila sa nararapat na ­hakbangin.

Maaari rin nilang personal na bisitahin ang opisina ng OWWA central office sa OWWA center 7th St. corner F.B Harrison, Pasay City, DOLE Assist Well ­Center POEA, EDSA corner ­Ortigas Avenue, Mandaluyong City; National Reintegration Center for OFWs (NRCO), Blas F. Ople Building, ­Solana corner Victoria St., ­Intramuros, Manila, Public Employment and the Service Office (PESO)-Local Government Units PESO-LGUs) in NCR, Region 3 and Region 4-A.

Sinabi ng OWWA na kapag nakapagparehistro sa online ay maaring i-print ang stub na ibibigay sa kanila.

Magsisilbi itong ticket upang sila’y makapasok sa Job Fair area na gaganapin sa OSHC sa Marso 28.

Gayunman, kahit walang printed stub ay papahintulutan pa rin ang mga nais makalahok sa Job Fair. Mag-fill up muna sila ng mga registration forms na makikita nila sa entrada ng lugar.

“For our initial take off on 28 March, we invited 20 recruitment agencies for overseas employment, and 20 employers for local job placement. During the event, we wish on-the-spot hiring of OFWs who opted to take ­another chance getting employed, or be engaged in livelihood undertakings and be their ‘own boss’ to those who opted to stay in the Philippines and venture into business,” sabi ni OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac.

Maliban sa mga ­gaganapin na job fair sa NCR Region 3 at 4A, naghanda pa ng ilang Job Fairs ang DOLE Regional Offices.

Kamakailan ay nagkaroon ng job fair sa Cebu Provincial Capitol Social Hall, habang noong Marso 16 at 17 naman sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City at Panphil B, Frasco; March 18 sa Cebu City Sports Center, Panphil B. ­Frasco Memorial Sports Complex, at March 20 sa Mandaue City Sports Complex.


Iniimbitahan ni Cacdac ang lahat ng OFWs at dating empleyado ng mga nasabing kumpanya na dumalo kung nais na makapagtrabaho muli.

SHARE