Una sa Balita

Job Caraiga sunod sa yapak nina Ross,  Cabagnot?

By
0 758
 
Noong maliit pa si Job Cariaga sa kanyang sinilangan sa Iligan City, Lanao del Norte, tinuturuan siya ng kanyang ama na magbasketbol sa kanilang bakuran, sa labas ng kanilang tahanan pagkatapos ng kanyang pag-aaral, at sinasali-sali rin sa ilang palaro.
 
Panood-nood na rin ang 26-year-old,  6-footer sa Philippine Basketball Association sa telebisyon sa kanilang tahanan sa Mindanao bago nilisan ng kanyang pamilya noong 2007 upang manirahan na sa Canada nang siya’y 17-anyos na.
 
Kaya maagang naging libangan ni Cariaga (b. July 14, 1992) ang paghawak ng bola, pero napamahal sa kanya pagkaraan ang sport dahil sa bonding na rin nilang mag-ama ang pagtuturo sa kanya ng mga tirada at galaw sa paglalaro.
 
Bukas maabot na niya ang kanyang pangarap na makapaglaro na rin sa unang play-for-pay hoop sa Asia at maari pang makalaro, baka makakuwadra pa sa paborito niyang San Miguel Beer team, kundi man makalaban ang mga indiidolo niyang sina Beermen combo guards Alex Cabagnot at Chris Ross.
 
Kabilang siya sa mga aplikante sa 34th PBA 2019 Rookie Draft sa Linggo, Disyembre 16 sa Robinsons Place sa Ermita, Manila. May ilang teams na rin ang nagparamdam na makuha ang kanyang serbisyo pero saan man siya mapunta, pagbubutihan niya ang playing career.
 
Maaring hinog na rin ang bunso sa dalawang supling nina Sean at Marivic, na nanunuluyan sa mga kamag-anak niya sa Cainta, Rizal dahil naka-3 taon na sa PBA D-League sa Ama Titans noong 2016, Zark’s Jawbreakers nu’ng 2017 at Ama uli sa taong ito.
 
Tapos si Cariaga ng Energy Asset Management sa Southern Alberta Institute of Technology na kundi ang kursong ito ang kinuha ay ang gusto rin niyang Criminical Justice dahil sa isa ang minithi ang maging pulis. Nag-Bishop O’Byrne High School at Southern Alberta Institute of Technology.
 
Paboritong player nang palabungisngis at right-hander cager na may pamatay na crossover moves sa National Basketball Association players ay sina Russell Westbrook, Damian Lillard at Devin Booker.
 
 

Paboritong player nang palabungisngis at right-hander cager na may pamatay na crossover moves sa National Basketball Association players ay sina Russell Westbrook, Damian Lillard at Devin Booker. 

 

 

q&a
Abante: Kumusta ka na ngayon?

 

Cariaga: I’m doing well. Excited for the PBA Draft.

 

 

Abante : Napakaraming sports, bakit basketball ang mga napili mong laruin?

 

 

Cariaga: My dad played basketball growing up then he bought me a basketball when I was a kid so it became a hobby that turned into passion.

 

Abante: Ano ba ang pangarap bilang basketball player?

 

Cariaga: Make a name for myself in the PBA and play for the national team (Gilas) in the future. That would make my parents really proud.
 
Abante: Siguradong may mga napanalunan ka nang mga trophy at medal sa mga international at national competition sa Canada sapul nang maglaro ikaw sa ano’ng edad. At ano-ano ang mga iyon? Ang pinakaespesyal sa mga tagumpay mo? 

 

Cariaga: When I represented my High School as the Grade 12 athlete of the year. That lead into some post-secondary (college/university) basketball career while achieving a college diploma at the same time.
Abante: Mensahe mo sa mga basketbolistang nais ding ma­ging gaya mo pagdating ng araw?

 

Cariaga: The game of basketball has given me opportunities that I’m extremely thanking for. I hope my story gives the younger generation to keep working hard, pursue their passion and never be complacent about their game.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy