Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joanna Jesh bus nang-araro uli ng mga barrier sa Edsa

0 396

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na mananagot ang driver at operator ng isang bus matapos makita sa video ang ginawang paninira ng mga barrier sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddess Libiran, mananagot sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Joanna Jesh Transport na pag-aari ni matapos makita sa video ang pananagasa at sadyang paninira ng mga concrete barriers sa kahabaan ng Edsa noong July 17.

“Para sa mga bus driver, ang EDSA Busway ay ginawa upang tulungan kayo at ang mga pasahero ninyo. Hindi ito ginawa para abusuhin ninyo. Kahit anong ganda ng proyekto, kung kaskasero at walang disiplina ang gumagamit nito, balewala,” ayon kay Libiran.

“The DOTr strongly condemns the driver of the Joanna Jesh Transport bus for gross violation of road transport rules, as captured in a video by a concerned netizen,” ayon pa sa DOTr.

Agad na nagsampa ng kasong reckless driving at damage to property ang pamunuan ng LTO at LTFRB laban kina Dimas Mamintal, driver ng bus at ang manager ng Joanna Jesh Transport.

“Act on the matter with dispatch, institute the necessary proceedings, and will not hesitate to impose the appropriate sanctions as warranted,” nakasaad sa Facebook page ng DOTr matapos makita sa video ang ginawang paninira ng bus na may plakang CAP-5133.

Matatandaang isa pang viral video ng Joanna Jesh bus ang kumalat noong Pebrero 2016 dahil rin sa pang-aararo ng isang driver sa mga orange plastic barrier sa Edsa na nagresulta pagkakasuspendi ng 30 araw ng sangkot na driver.

Leave A Reply

Your email address will not be published.