Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jo Koy, Chelsea magdyowa na

0 102

Karelasyon ng sikat na Fil-American stand up comedian na si Jo Koy ang comedienne-TV host na si Chelsea Handler.

Naging Instagram official sila kamakailan at hindi raw akalain ni Chelsea na mai-in love siya sa kanyang best buddy na si Jo Koy na ilang taon niyang nakasama sa kanyang talk show noon na Chelsea Lately mula 2007 hanggang 2014.

Sa kanyang pag-guest ni Chelsea sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon, kinuwento niya ang love story nila ni Jo Koy.

“If I fell in love at the age of 46, I have hope for every person in this world. Men have been very discouraging these past couple of years. Then I had my friend Jo Koy, who was in my life a very long time.

“And then one day I just looked at him and I thought, ‘Oh that’s my guy!’ So he’s like my best buddy and then I also, you know, get to have sex with him….Fun time!” tawa pa niya.

Kaya in-advise ni Chelsea sa marami na tingnan nila through a different lens ang kanilang mga kaibigan at baka ito na ang para sa kanila. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.