Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jo Koy bumida sa mural

0 147

Ikinagalak ni Filipino-American stand-up come­dian Jo Koy ang mural niya na ipininta sa isang basketball court.

Sa video post ni Jo Koy sa kanyang Instagram ac­count, makikita ang pag­pinta ng isang malaking mural ng komedyante sa isang court.

“Bakit ba namin pinili si Jokoy? Inyong pag-ara­lan, madlang people, kung ano ang kanyang pinag­daanan at ang kanyang ginagawa ngayon para irepresenta ang Pilipino sa buong mundo,” paglalarawan kay Jo Koy sa video.

“Siya ay isang tao na nakakapagtipon-tipon ng mga Pilipino at iba’t ibang lahi sa larangan ng kan­yang art which is comedy,” dagdag pa.

Natuwa naman ang komedyante sa surprise para sa kanya.

“I teared up when I saw that they painted this mural of me in the Philip­pines. This is why I love my people so much,” saad ni Jo Koy sa caption ng na­turang post.

“I will rep my culture proud and let the world know just how beautiful my country is. Mahal ko kayong lahat!” aniya pa.

Marami nang napapa­hagalpak sa mga act ni Jo Koy sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ngayon ay nasa gitna siya ng kan­yang ‘Just Kidding World Tour.

Huling sumalang sa entablado ng Pilipinas ang Fil-Am noong 2020. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.