Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jo Koy bumato sa MLB game

0 76

UMEKSENA sa Filipino Heritage Night ng Los Angeles Dodgers ng Major League Baseball si Fil-Am stand up comedian Jo Koy na naghagis pa ng first pitch.

Hinagis ng sikat na komedyante ang first pitch bago ang laban ng Dodgers kontra Atlanta Braves nitong Miyerkoles (Manila time).

Ibinahagi naman ni Jo Koy nitong Biyernes (Manila time) sa kanyang Instagram account ang kanyang naging experience sa Dodgers Stadium at may caption pang “Threw out the first pitch at the @dodgers game celebrating Filipino heritage night.”

Namigay rin ng exclusive Filipino Heritage Night jersey ang 2020 MLB World Series champions Dodgers para sa fans na nanood nang live sa nasabing laban.

Samantala, kasalukuyang nangunguna sa National League-West division ang Dodgers na may markang 85-49 win-loss record ngayong season. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.