Una sa Balita

Jo Berry nakakaamoy ng kaluluwa

0 293

Tila sunod-sunod ang blessing ngayon ni Jo Berry. Bukod sa ginagampanan niyang karakter bilang ina-inahan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, heto nga at may movie pa siya, ang “Kiko En Lala” kung saan siya ay gaganap bilang si Tadhana, isang manghuhula sa perya na may kapangyarihang umamoy ng mga kaluluwa.

Ayon sa producer ng pelikula, si Jo talaga ang first choice nila para sa role kahit noong binubuo pa lang nila ang konsepto nito. Kaya overwhelmed and thankful si Jo sa tiwala na ibinigay sa kanya.

Samantala, umani ng kalahating milyong tweets at nag-trend worldwide ang pilot episode ng much-awaited teleserye ni Alden nitong Lunes. Marami ang nag-abang at tumutok sa pagbabalik-primetime ni Alden. Sabik ang kanyang mga fan, supporter na mapanood siyang muli sa telebisyon lalo pa na maganda ang kuwento ng teleserye niya na puno ng inspirasyon.

Young JV malakas ang sex appeal sa mga bading

Ang singer na si Young JV ang bagong endorser ng Fasclean soap ng Megasoft. Naniniwala si Ms. Aileen Choi Go na malaki ang maitutulong ni Young JV sa produkto nila na puwedeng i-promote sa buong Pilipinas.

Hindi naman strange si Young JV sa mga sabon panlaba dahil siya raw mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit. Puwede raw siyang maging modelo ng mga estudyante sa iba’t ibang school.

Anyway, pinagkakaguluhan ng mga kasamahan sa panulat, lalo na sa mga bading, si Young JV dahil sa kakisigan nito at malakas daw ang sex appeal.

Ken puno ng drama ang b-day message kay Rita

Touching ang message na ibinahagi ni Ken Chan para sa kanyang ka-love team na si Rita Daniela na nag-celebrate recently ng kanyang ika-24 birthday. Ayon sa Instagram post ni Ken, masaya siya sa nangyayari sa buhay ng kanyang kapareha sa upcoming primetime series nila.

“Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. Masaya ako para sa’yo kasi unti-unti mo nang naabot mga pangarap mo Ta,” ayon kay Ken.

“Masaya rin ako kasi bahagi ka ng buhay ko. Akap! Maligayang kaarawan @missritadaniela.”

Sinagot naman ni Rita ang message na ito at nagpasalamat sa presence ni Ken sa buhay niya.

“Salamat, Ken. Masaya rin ako na bahagi ka ng buhay ko. Stay the same and keep on smiling kasi that’s your gift. You share so much energy and happiness to a lot of people!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy