Una sa Balita

Jo Berry hindi sumusuko sa kamalditahan ni Cherie Gil  

0 337

abante-talbog-joe-barramedaAfter ng kanyang Magpakailanman guesting noon, maituturing na pangalawang prokeyto pa lang ni Jo Berry sa GMA ang Onanay. Pero hindi maikakailang marami na siyang tagahanga dahil sa husay niya sa pag-arte.

Sa programang Tunay Na Buhay ni Rhea Santos, inamin ni Jo na hinuhusayan niya talaga ang kanyang trabaho kahit na na­ngingibabaw raw ang pagiging fan niya kina Mikee Quintos at Kate Valdez, na kanyang mga anak niya sa serye.

Ginalingan naman talaga ng ating little star dahil kasamang tinututukan ng mga manonood ang mga eksena niya kasama ang mga beteranang aktres na sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Samantala, sa nasabing primetime series, maraming Kapuso viewers ang humahanga sa karakter ni Jo na si Onay dahil hindi ito sumusuko sa mga kamalditahan ni Helena (Cherie Gil).

Matuklasan na kaya niyang buhay ang nawalay niyang anak? Abangan yan sa Onanay.

Alden may bagong kalaban

Marami ang naiinggit sa karakter ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, huh! Siya lang naman ang nilalaman ng puso ng dalawang naggagandahang babae – ang reporter na si Gwen (Janine Gutierrez) at ang diyosang si Sif (Andrea Torres)!

Pero hindi lang yan ang problema ng ating paboritong superhero dahil dumating na rin ang mga bagong kalaban ni Hammerman. Naku, paano kaya malalampasan ni Victor ang mga pagsubok na ito? Sabay-sabay pa tutukan ang kuwento ni Victor Magtanggol sa GMA Telebabad.

Clashers maglilibot sa Pilipinas

Bukod sa kanilang maiinit na tapatan tuwing weekend, may chance na ring makita ng mga Kapuso viewers ang clashers dahil nagsimula na itong umikot sa buong bansa. Last week nga, sumugod ang mga ito sa SM City San Pablo at SM City Masinag kung saan dinumog sila ng libo-libo nilang fans.

Nitong weekend, bago sumabak sa intense biritan, sa SM Megacenter, Cabanatuan SM Megacenter, Cabanatuan muna sila magtutungo kasama sina Clash Judge Christian Bautista ng Pamilya Roces, Wendell Ramos and Jo Berry ng Onanay, at sina Bea Binene at Lianne Valentin ng Kapag Nahati Ang Puso. See you there!

Pagkatapos noon, balik na naman sa kanilang serious game face on ang mga clashers dahil tapatang magaganap sa The Clash. Ngayon pa lang, iniisip na ng mga fans kung paano paglalaban-labanin ang natitirang contenders. Sino at ilan kaya ang susunod na matatanggal this weekend?

At paano kaya ang clash na magaganap sa pagitan ng Top 10? Abangan yan sa mas painit nang painit na mga eksena sa The Clash.