Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

JM Yosures kampeon sa TnT

0 460

Super trending ang #TNT4AngHulingTapatan nitong Sabado ng tanghali. At hindi lang sa Pilipinas, kundi worldwide, ha!

Ang bongga na sa bandang huli, sina JM Yosures, Rachell Laylo, Ayejee Paredez at napili ng mga hurado na sina Randy Santiago, Zsa Zsa Padilla, Jed Madella, Gary Valenciano, Jaya, Louie Ocampo, Erik Santos, Kyla, Karylle, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, at Rey Valera bilang punong hurado.

Pero siyempre, kinailangan pa rin ang pulso ng masa, kaya idinaan pa rin sa botohan ang lahat. Kumbaga, kung sino ang wagi sa mga hurado, at sino ang binoto ng mga manonood, `yun pa rin ang panalo.

May mga nag-react na feeling nila, dapat hindi idaan sa botohan, at ang mga hurado na lang ang pumili kung sino ba ang tunay na mahusay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anyway, tatanggap ng P1M, recording contract from Star Music, management contract sa Star Magic, bonggang trophy from National Artist Imao at bahay at lupa woth P2M.

So, heto na nga, sa kanilang tatlo, tinanghal na third place si Ayejee Paredes. Wagi ng second place si Rachell Laylo.

At ang grand champion ng ika-4 Tawag Ng Tanghalan ay si JM Yosures. Sa totoo lang, inaasahan ng marami na si JM talaga ang mananalo.

Anyway, si Rachell ang panalo sa mga hurado, samanalang si JM sa text votes. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.