Una sa Balita

JM suportado ang PDEA

Lulong sa droga noon:

By
0 414

Para sa isang artista na bukas naman sa publiko ang pinagdaa­nan niya dahil sa pagkalulong noon sa droga, suportado raw ng Kapamilya actor at bida ng Star Cinema movie na “Last Fool Show” na si JM de Guzman ang anumang programa ng PDEA.

Ayon kay JM, “Para po siyang it’s a very smart move from PDEA. Kasi, kami po, pare-parehas lang kami ng parts, pero we have a ­social responsibility na maipakita sa set an example.”

Pero dahil naranasan na raw niya kung paano ang isang lulong sa drugs at ilang beses magpabalik-balik sa rehab na huwag lang daw sanang ma­ging marahas ang pagsugpo.

“Tatlong beses po akong paba­balik-balik sa rehab, kasama ko po mga addict – users, pushers and hindi lang po sila adik, hindi lang sila nag-take ng drugs for whatever, may mga pinagdaanan sila na hindi nila kinaya and they chose a different path to patch it up, to move on and huwag lang po sanang masyadong masaklap ang pagtrato sa kanila.
“Umabot na sa point na pinapatay na ang iba. May penalty pero with due respect, ‘yung due process po – I mean, ako, I’m in this position ngayon na maging example na hindi lang kami hanggang doon.

“At kung ano po ang ginagawa ng PDEA, all-out support po ako, anytime, anywhere.”
Tinanong din namin si JM kung sang-ayon siya sa diumano’y posibleng i-release ng PDEA ang listahan daw ng mga pangalan ng celebrities.

Hindi raw siya sang-ayon dito.

Sabi nga niya, “I think, alam ­naman po ng PDEA that they have to protect the names.

“Maraming mada-down. Marami rin silang nai-inspire na tao. Kung sino man ang mga ‘yun, I believe, masasabi ko lang on my part na you can still turn it around, they can still change.

“Ginagawa lang ng PDEA ang trabaho nila and alam ko na ginagawa nila nang maayos.”

Isa sa magandang ehemplo si JM na hindi nga kailangan ng karahasan para mabago ang isang drug addict.

Sey pa niya, “Mahirap po sa akin ang posisyon na ‘yan dahil ‘yung drugs, hindi pa tayo buhay, nandito pa rin ‘yan. Kahit anong gawin mo, kahit anong giyera, nandiyan pa rin siya.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More