Una sa Balita

JM super kuripot: Barbie pinuri ang pagiging generous ni Paul

0 423

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBagama’t puring-puri ni Barbie Imperial ang dating kasintahang si Paul Salas na ngayon ay nasa GMA-7 na, hindi na raw niya nakikita ang posibilidad na magkabalikan sila.

Ibinibida ni Barbie si Paul sa panayam namin at ng iba pang press na nag-interview sa kanya sa nakaraang birthday party ni Ara Mina. Sabi ni Barbie, napakabait na kasintahan si Paul at gene-rous pa ito.

Napag-usapan si Paul sa isyu nila ni JM de Guzman nang tanungin namin si Barbie kung ibinalik niya ang mga naibigay sa kanya ng dating ka-love team sa nagwakas na seryeng “Araw Gabi”.

Sabi ni Barbie, stuffed toy lang ang ibinigay ni JM sa kanya at wala nang iba.

Nang tanungin namin kung generous ba ang dating kasintahang si Paul, tumango ito at dito na nagsimula ang paksa tungkol sa dating kasintahan.

Lumalabas kasi na mas palabigay si Paul kaysa kay JM.

Anyways, marami na raw kasing involved sa naging hiwalayan nila ni Paul kung kaya’t mahirap na silang magkabalikan pa.

May communication naman daw sila, pero hindi talaga nakikita ni Barbie na magkakabalikan pa sila.

Anton Diva nabitin sa panghahada sa aktor

Pinanghihinayangan ng transsexual singer na si Anton Diva ang napalampas na pagkakataong mahada ang isang lalake na ngayon ay artista na.

Sa presscon para sa magaganap na major concert ng tinaguriang kaboses ni Regine Velasquez, sinabi niyang naudlo0t ang dapat sana ay sexual encounter niya sa isang lalake na artista na ngayon.

Hindi akalain ni Anton na magiging artista ito dahil nu’ng makilala niya ang lalake, simple pa lang ito.

Kuwento ni Anton, nasa bingit na sila na may magaganap na “hadahan” nu’ng biglang tumanggi ang lalake. Puwedeng makuha ni Anton ang lalake kung pinush niya ang kanyang pagnanais at pagnanasa rito.

Pero ayaw ni Anton nang namimilit pagdating sa hada, kaya walang nangyari sa kanilang dalawa.

Kapag nagkikita raw sila ng aktor sa mga event, nagbabatian sila nito at deadma na lang sa naging encounter nila nito.

Regine, Vice Ganda ‘di nagpabayad sa show

Samantala, malaki ang pasasa-lamat ni Anton kay Regine Velasquez-Alcasid at kay Vice Ganda, dahil ang dalawang ito ay special guest niya sa kanyang first major-major concert, ang “SHINE XXII AD: Anton Diva” na gaganapin sa Cuneta Astrodome, sa June 15.

Hindi nagpabayad sina Regine at Vice sa magiging partisipasyon ng mga ito sa kanyang show. Tatlong beses nang naggi-guest si Regine sa mga special solo show ni Anton at laging hindi nagcha-charge ng talent fee ang Songbird.

Ang dating Board Member ng Abucay, Bataan na si Teri Onor ang producer ng show, sa ilalim ng TOES o Teri Onor Entertainment Services. Ito ay ididirek ng stage actor na si Peter Serrano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy