Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

JM nameligro buhay sa atake

0 92

Marami ang nag-alala sa sitwasyon ni JM de Guzman. Ipinakita nga niya ang short video sa Instagram kung paano siya atekehin (panic attack).

Makikita sa video post ng Init Sa Magdamag actor na napapangiwi at napapapikit siya na parang asiwa.

Hindi na nga nagawang makapag-text o chat ni JM sa kanyang handler dahil sa atake, kaya nag-send na lang ito ng video, na siya ring pinoste niya sa IG.

“So I had a mild panic attack during our promo this afternoon. Was having fun, tapos bigla na lang umatake. My handler @starmagic_portia asked me kung kamusta ako and I can’t type so I sent her this video.

“Thank God dumaan lang ng mabilis and it’s been more than a month since the last attack. #spreadawareness,” kuwento ni JM.

Nagbahagi rin si JM ng impormasyon tungkol sa panic attack, na puwede raw ikamatay ng tao.

“A panic attack is a sudden episode of intense fear that triggers severe physical reactions when there is no real danger or apparent cause. Panic attack can be very frightening. When panic attack occur, you might think you’re losing control, having a heart attack or even dying,” saad pa ni JM.

Angel pinilit magpabakuna ang ama

Dumarami na ang mga artista (o kaanak ng mga ito) na nabakunahan na ng panlaban sa COVID-19.

Ang latest na nagpa-‘covax’ ay ang tatay at nanay ni Angel Locsin. Ipinakita niya sa Instagram ang larawan ng kanyang ama na tinuturukan ng bakuna.

At ang isa naman ay ang tinawag nitong ‘mother’ na may hawak na sign card na nakasulat ang ‘I got vaccinated’.

“The ‘anti vaxxer’ finally cooperates. The mother and the father received their first dose of Covid vaccine today! Good jab!” sey ni Angel.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Taguig binakunahan ang pamilya ni Angel.

Aga binalaan mga manliligaw ni Atasha

Mukhang bukas na si Aga Muhlach sa mga nagnanais na manligaw sa kanyang anak na si Atasha.

Idinaaan ni Aga sa hashtag ang bilin sa mga nagnanais na manliligaw kay Atasha na: #kungsakalimanayusinnyopangliligawha.

May hashtag din ito sa pamumukadkad ng anak na, #juicekolorddalaganaposiya.

Umani ng mga papuri ang mga larawan na kuha sa pictorial ni Atasha para sa nasabing magazine. Lahat ay nagsasabing napakaganda ng anak nina Aga at Charlene Gonzales.

Sabi ni Aga, suportado niya ang lahat ng gagawin ng anak.

Addy Raj iniyabang murang swab test sa India

Lalong pinakulo ni Addy Raj ang init ng ulo ng mga Pinoy na namamahalan sa RT-PCR test. Ipinangalandakan niya sa tweet ang mababang halaga ng nasabing COVID-19 test sa India.

“What is the current price range for RT-PCR swab test for result in 24 hours in the Philippines? Just wondering as my Dad got it done in India for 300 php only!” tweet niya.

Inulit at pinagdiinan pa niya ang presyo na 300 php lang ang price sa India!

May nag-comment na highly overpriced daw sa Pilipinas, na mas mahal pa raw sa Australia.

Sabi nga kasi, sa Pilipinas ay pumapatak na P5K ito. Pero, sabi naman ng iba, libre lang ito sa ibang hospital pag may active PhilHealth membership ka.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.