Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

JM inatake sa harap ni Tetchie

0 197

Nasaksihan ni Tetchie Agbayani ang panic attack ni JM de Guzman sa mismong set ng “Init sa Magdamag” ng Kapamilya network.

Sa guesting ni Tetchie sa online talk show namin sa Abante News Online FB page nitong Martes, kinuwento niyang biglaan ang atake ni JM.

Bilang isang certified psychologist, tinutulangan ni Tetchie na malagpasan ng aktor ang pinagdadaanan nito. Pinagkuwento raw niya si JM at nagawa raw ni Tetchie na maibaling sa iba ang atake sa aktor.

Ayon pa kay Tetchie, ang ganitong karamdaman ng isang tao ay posibleng gumaling, pero sa nasa pasyente na ito.

Naniniwala si Tetchie na may kinalaman ang panic attack ni JM dulot ng kakaibang pinagdaanan nito sa buhay.

Samantala, malayo-malayo pa ang itatakbo ng ‘Init sa Magdamag’, pero kumukulo na ang mga eksenang aabangan sa mga susunod na araw.

Isabelle natakam sa katawan ni Zanjoe

Pinatakam ni Zanjoe Marudo ang kanyang mga fan nang magbalandra siya ng mga topless body photo sa Instagram. At yes, taglay pa rin ni Zanjoe ang nakapaglalaway na kamachohan, na nagpakikiliti sa laman ng mga kababaihan at beki.

Hindi man lamang tumaba o nasira ang model-body form ng aktor ngayong pandemic.

Ipinagmalaki ni Zanjoe ang kanyang physique, na sabi nga niya ay, ‘hot.’

“Keep hot, este warm!” sabi niya.

Kahit ang married na si Isabelle Daza na nabulabog sa pa-topless ng aktor.

“Grabe naman ang Tinder profile pic!” sabi ni Isabelle.

Alice nagbabala sa nakahahawang sakit

Naunguna si Alice Dixson sa nagpapaalala sa mga netizen na mag-ingat sa banta ng mas nakakahawang variant ng COVID19, ang Delta.

Nakaposte IG ng aktres ang art card na, “COVID 19 DELTA VARIANT: FACTS & FIGURES.”

Nakasulat ang impormasyon tungkol sa Delta Covid19 at paano ito mabilis makahawa.

Nagpapakita rin ito ng cartoon images ng sintomas ng variant na mararamdaman ng isang taong nahawahan.

Kasabay nito ang mga dapat gawin ng mga individual na kailangang sundin na safety protocols para maiwasan ang mahawahan ng variant.

Atom Araullo kaalyado ng mga babae

Sinopla ng ilang netizen ang TV host/writer na si Bianca Gonzales kaugnay sa tila pangangalandakan ng pagiging feminist nito.

Nag-tweet si Bianca tungkol sa paniniwala niyang ipagbunyi na ang babaeng nagtatagumpay sa kanilang larangan.

Ang panalo ng Gold medal ni Hidilyn Diaz ang ginamit na imahe ni Bianca sa tweet niya.

“Kapag sinabi naming ABANTE BABAE hindi ibig sabihin na babae lamang ang dapat umabante. Ilang daang taon na ang kalalakihan ang nabibigyan ng mga oportunidad kaya’t kapag may babaeng nagtatagumpay, ipinagbubunyi natin para mas marami pang kababaihan ang mapagbigyan,” sabi ni Bianca.

Diretsahang sinopla si Bianca ng ilang netizen. Na kesyo kaya raw nadi-discriminate ang mga babae dahil na rin ginagawang isyu ng mga ito ang kanilang kasarian.

@gunbladedsquail, “Abante Pilipinas. Kaya dini-discriminate mga babae dahil puro kayo, kayo rin mismo ginagawa niyong issue pagiging babae.”

Sumali sa thread ang GMA-7 news anchor na si Atom Araullo.

“Ano ba yan kailangan pa paliwanag to?” singit ni Atom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.