Una sa Balita

JM de Guzman sinita sa pangungulekta ng datung

0 909

Maging si JM de Guzman ay nanawagan na rin para sa donasyon, upang maibigay nila sa mga medical frontliner. Sa pinosteng poster, nanawagan ito sa mga kapwa niya Triskelion brothers na lumahok sa proyektong ito para makapagdala ng maraming PPE sa mga medical frontliner.

Pero isa sa mga follower ni JM ang tila naguguluhan at naga-alala sa kaliwa’t kanang mga personalidad na nanghihingi ng donasyon.

Sa kanyang opinyon, puwedeng maging paraan ng panloloko at pangungurakot ang ganitong sistema.

@santoseric13, “W/o getting rude. Ang daming nagiging foundation pag may calamity or crisis. Nagpapasalamat sa mga legit na tumutulong talaga pero mas better kaya na isa na lang ang source and should be govt entity? Para madali ma trace ang corruption at maging transparent in public and pumasok at lumabas? Even big networks should not have rights to ask donations only govt. let’s learn sa Yolanda. Let’s face it ang daming kumita don.”

Hindi nakipagtalo si JM sa comment. “I respect your opinion and priorities,” sabi lang ni JM. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More