Una sa Balita

JM de Guzman nag-init sa haplos ni Barbie

By
0 1,977

Inamin ni Barbie Imperial sa Gandang Gabi Vice noong Linggo (April 22) na hindi agad sila naging close ng ka-loveteam na si JM de Guzman at sa katunayan ay hindi siya gaanong pinapansin ng leading man.

“Medyo mahirap siya i-close. Kasi everytime na dadating ako sa set syempre mag-hi at hello, pero hanggang doon lang kami. Kakausapin ko siya, sasabihin ko ‘kamusta ka?’ Hindi niya ako iintindihin. Kaya sabi ko ‘Ay, hindi ako pinapansin ni kuya,’” kuwento ni Barbie.

Sagot naman ni JM hindi talaga siya ma-chick sa mga leading lady niya.

“Takot akong magkamali. Dati pa naman may pagkatorpe na ako. Kapag nasa set, iniisip ko rin na baka nagko-concentrate si Barbie sa role niya. At tsaka lagi akong tulog sa set kaya hindi ko siya pinapansin.”

Naikuwento nina JM at Barbie na dumaan muna sila sa sensuality workshop bago sila nag-taping ng Araw Gabi.

“Ginawa namin ‘yun para mawala yung hiya namin sa isa’t isa. Para hindi kami magkabiglaan,” sabi ni JM.

Ipinaliwanag ng dalawa kung paano nila hinahawakan ang katawan ng isa’t isa sa naturang sensua­lity workshop. Ipinakita nga ni Barbie na sinimulan niya ang paghawak sa mga kamay ni JM, umabot sa dibdib, sa likod, hanggang sa puwet.

Nang tanungin si JM kung na-turn on siya sa mga haplos ni Barbie, ‘Oo naman’ ang sagot nito.

“Pero kailangan mo labanan bilang respeto sa partner mo,” dugtong pa ni JM.

Sa ngayon masasabi ni Barbie na mas close na sila ni JM dahil mas nakakabiruan at nakakausap niya na rin ang aktor.

At sobrang excited nga sina Barbie at JM na mapapanood na ang unang tambalan nila, ang Precious Hearts Romances presents Araw Gabi sa April 30. Dito malalaman kung talagang nagbunga ang workshop nila at kung may chemistry silang dalawa.

Pero sa presscon pa lang, marami ang nagsasabi na ito na ang simula ng mas papagandang career ni Barbie. Ang seksi, ang ganda nga kasi ng dalaga, ha!