Una sa Balita

JM de Guzman mahilig sa Imperial

By
0 480

Complicated ang status ng relasyon ngayon ni Meg Imperial sa kanyang non-showbiz boyfriend na para­ting nasa labas ng bansa, particularly nasa Dubai.

Nasa real estate business kasi ito na usong-uso nga ngayon ay paghu-hold ng real state conventions sa labas ng bansa para makahikayat ng mga investor, kaya wala halos time ang kanyang dyowa.

Pagbalik naman daw nito ay baka lumipad naman daw ito papuntang Europe kaya tuloy tigang ang kanyang puso sa pagmamahal. Chos!

Dahil nga raw pareho silang busy, wala na silang time for more personal bonding moments, kaya nagkakaroon sila ng problema.

Pero, nang huli raw silang magkausap ay nangako naman daw ito na bibigyang-oras para sa quality time na hinahanap-hanap niya.

Samantala, nagtataka siya kung bakit hindi pa rin matapos-tapos ang pagli-link sa kanya kay JM de Guzman. As in, friends lang daw sila.

Eh, baka nga dahil mukha ngang tila ipinagpalit na siya sa isa ring Imperial. Si Barbie Imperial na leading lady nito sa “Araw Gabi”.

“At least, Imperial pa rin, ha?” natatawang sagot ni Meg.

Ayaw din niyang kumpirmahin kung sina JM at Barbie na nga ba. Eh ‘di wow! Charot!