Una sa Balita

JM de Guzman, Barbie Imperial magdyowa na

By
0 2,049

Isa ring sorpresa ang inihandog ni JM de Guzman sa kanyang Araw Gabi leading lady na si Barbie ­Imperial para naman sa kanyang ika-20th birthday kahapon, August 1.

Sa IG post ng dalagang Bicolano, makikitang may hawak na gitara si JM, at may mga nakapalibot na red petals sa kanya. Ayon kay Barbie, kinakantahan siya nito ng kantang When You Say Nothing At All.

Sa kanyang caption, ay naka-quote ang lyrics nito na, “It’s amazing how you can speak right through my heart.
“Without saying a word, you can light up in the dark- Surprised. Thank you.”

Abante Hiring – IT dep

Dahil nga dito ay lalong naging ­maingay ang tsika na ­nagkakamabutihan ang dalawa sa set ng kanilang teleserye sa ABS-CBN lalo na’t wala na ring boyfriend ngayon si Barbie samantalang si JM naman ay wala namang nababalitaang nililigawan sa showbiz.

Well, hindi naman nakapagtataka kung mauwi sa relasyon ang kanilang loveteam dahil sa maiinit nga nilang eksena together ay maaaring may emosyon na ma-develop, devah?

Wala naman sigurong masama kasi pareho naman silang single, at nasa right age naman na sila para magkaroon ng something-something, devah?

Yun na!

‘August 1 din pala ang birthday ni Barbie.