Una sa Balita

Jlo, Ne-yo bilib sa pinoy dance crew vpeepz

0 322

Barong ipinagmalaki sa ‘WOD’:

Muling pinabilib ng Filipino dance crew na VPeepz ang mga hurado ng dance competition show na “World of Dance” sa nakaraang performance nila noong April 14. Na­bigyan sila ng perfect score na 100, na first time nangyari, mula sa judge na si Ne-Yo at sinabi pa niya sa naturang dance crew na “that set the bar.”

“Without a flip, without a trick, without anything… Nobody risked their life, and you got all three of us out of our seats!” dagdag pa ni Ne-Yo.

Ang VPeepz ay binubuo ng members na ang edad ay 11 to 16 years old. They are competing in the Junior Team division at ang costume nila ay ang traditional Pinoy Barong in blue and red as they danced to “Burn” by Billie Eilish.

Noong nakaraang March 3 unang nagpakita ng husay sa kanilang dance moves sa “World of Dance” ang VPeepz. Hindi napigilan na mabigyan ni Ne-Yo ng standing ovation ang VPeepz, gayundin ang dalawa pang judge na sina Jennifer Lopez at Derek Hough.

Tinawag pa ni JLo na parang isang army ang Pinoy dance crew at dinagdag niya ay “everything was so clever and perfect.”
Kung matatandaan, napaiyak ng VPeepz si ­Lopez dahil sa goal ng kanilang grupo na ma-promote ang diversity, love and unity sa future gene­ration ng mundo.

Sunod-sunod naman ang papuri ni Hough sa VPeepz sa “clarity and thoughtfulness” ng kanilang choreography. Ang kanila namang spacing and music “allowed us to appreciate those hard moments, the intricate moments with the footwork. You didn’t leave any beat, any moment un-turned. It was so beautiful. You guys nailed it!”

Kung 100 ang score na binigay ni Ne-Yo, parehong 98 naman ang bigay nila Lopez at Hough. VPeepz got a cumulative score of 98.7. Ang pinaka-highest sa kanilang division sa episode na iyon. The score secured the Pinoy hip-hop crew one of three slots in the Division Final. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy