Una sa Balita

JLO matikas sa 3YO Maiden race

0 215

WALANG hirap na nilampaso ni top favorite JLO ang mga nakatunggali kaya nasilo nito ang panalo sa Three-Year-Old & Above Maiden Race Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban agad ni JLO ang unahan sa largahan habang kampanteng nakasakay si class A jockey JA Guce samantalang binabaybay ang pista.

Walang nakadikit kay JLO sa unahan kaya nahawakan nito ang anim na kabayong agwat sa far turn.

Lalong lumayo ang winning horse papasok ng home turn, umabot na ito sa walong kabayo ang distansiya kaya nakuha ang magaan na panalo.

“Hindi sila nakahabol sa bilis ng ere ni JLO kaya sa far turn pa lang nararamdaman kong mananalo kami,” saad ni Guce.

Tinawid ni JLO ang finish line na may 10 kabayo ang distansiya sa nasegundong si Belle Esprit habang tersero si Noh Sen Young Yana.

Nirehistro ni JLO ang 1:29.6 minutong tiyempo sa 1,400-meter race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy