Una sa Balita

JKF files isasapubliko na

By
0 10

Matapos ang higit 50 taon, bubuksan na sa publiko sa unang pagkakataon ang secret files ng asasinasyon ni dating US President John F. Kennedy.

Inihayag ni US President Donald Trump nitong Sabado na pinahintulutan niya ang pagsasapubliko ng lahat ng files ng asasinasyon ni Kennedy noong Nobyembre 22, 1963.

“Subject to the receipt of further information, I will be allowing, as President, the long block and classified JFK FILES to be opened,” ayon sa tweet ni Trump.

Sa opisyal na bersiyon, si Kennedy ay pinatay daw ng nag-iisang gunman na si Lee Harvey Oswald sa Dallas.

Pinatay naman si Oswald ng nightclub owner na si Jack Ruby habang inililipat ito mula sa city jail.

Sa isinagawang imbestigasyon sa pamumuno noon ni Supreme Court chief justice Earl Warren, kinumpirma na si Oswald ang nag-iisang bumaril habang nasa motorcade si Kennedy na tinamaan sa likurang bahagi ng katawan at isa sa ulo.

Subalit sa special House investigation committee report noong 1979, si Kennedy ay posibleng ipinapatay umano at may dalawang shooter na bumira sa kanya.