Una sa Balita

JK Labajo umatras sa kaaway

0 580

abante-paistaran-dondon-sermino

 

Hindi malinaw kung sino ang pinaringgan ni JK Labajo na isang vlogger (artista kaya ito?) na diumano ay bina-vlog ang “kamatayan” ng kanyang ama.

 

Feeling ni JK, hindi magandang tingnan, na pati ang ganu’ng bagay ay parang pagkakakitaan pa.

Pero, ilang minuto lang ang nakalipas, nabura na agad ang Instagram story niyang ‘yon, at heto nga ang bago niyang post.

“Sige ayan dinelete ko na pasensiya na ah kung na-offend kayo sa opi­nion ko. Bahala na kayo diyan. Lol,” sabi ni JK.

Well, kung sino man siya, at least marunong naman si JK na umatras sa laban, sa sandaling pakiramdam niya ay naka-offend talaga siya.

***
Bea kinikilig pa rin kay John Lloyd

Usap-usapan pa rin ngayon ang mga litrato nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na magkasama sa beach. Naka-post ito mismo sa Instagram account ng aktor.

 


Caption niya sa post: “set namin.” Ano kaya ang reunion project nila?
Aba siyempre, marami ang naka-miss sa tambalan ng dalawa kaya marami ang hindi napigilang ma-curious sa kung ano ba’ng pakulo nila.

 


Nang matanong naman si Bea, pigil na pigil siyang magbahagi ng detalye at sinabing masaya siya na makita muli ang dating onscreen partner.

 

Ramdam nga na kinikilig pa rin si Bea kay Lloydie, ha!

 


“I was happy to see him. We had a good time there. We were with friends also. But I can’t disclose what’s it’s for yet. Pero, ano ‘yan, surprise,” kuwento ni Bea.


Ay naku ha, sana ito na talaga ang pagbabalik ni John Lloyd. Marami na ang nami-miss siyang makita sa TV at pelikula!

 



Tindero ng fishball pinarangalan ng ‘Rated K’

Isang Father’s Day celebration ang ibinigay ng “Rated K” kay Tatay Claro Versoza matapos mag-trending dahil sa pagpapatapos niya ng apat na anak sa pagi­ging fishball vendor.

 


Kumalat sa Facebook kamakailan ang kuwento ni Tatay Claro matapos mag-alay ang bunso nitong si Girlie ng isang appreciation post para sa ama.
Kahanga-hanga nga ang tulad ni Tatay Claro na sa loob ng 30 taon ay kinaya ang pagtitinda ng fishball kahit pa naaksidente ito at muntik nang mamatay.

 


Bilang gantimpala sa kanyang pagsasakripisyo, isang munting salo-salo ang ginawa ng “Rated K” para sa huwarang ama.

 


Hindi napigilang maiyak ni Tatay Claro sa hinandang sorpresa lalo na nang marinig ang mensahe si Girlie sa pagiging proud niya bilang anak ng isang fishball vendor.

 


Totoo naman na hindi dapat ikinahihiya ang ganoong klaseng trabaho lalo pa at marangal ito at walang inaapakang ibang tao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy