Una sa Balita

JK Labajo nabanas kina Vice, James, Moira

0 633

By DS

‘Nakakahiya kayo!’
Hindi nagustuhan ni JK Labajo ang pagri-reject kay Luke Baylon sa “Idol Philippines” ng ABS-CBN. Si Luke ay isang ­reggae singer na nangharana sa mga hurado ng “Idol PH” na sina Regine Velasquez, James Reid, Moira at Vice Ganda.

Sa kanilang apat, si Regine lang ang nag-yes, na sinabi nga niya na kahit may mga flats, sharps, ay gusto pa rin niya si Luke.

Si James ang unang nag-no, kasunod si Vice Ganda, at pangatlo si Moira. So, rejected nga si Luke sa “Idol PH.”

Pero, sinabi naman sa kanya na magpraktis pa, at puwede pa naman itong bumalik ulit para mag-audition.

At dahil doon, nag­labas ng kanyang hinaing si JK.

“It’s a yes for me. I’m not even gonna argue with the other judges. It’s easy to fix flats and sharps and such imperfections but it’s not that easy to find soul. Kakagigil…” sabi ni JK sa IG stories niya.

Siyempre, sina James, Moira­ at Vice Ganda ang tinutukoy niya.

“I just found out that the guy who got rejected at Idol PH is the same guy who did an amazing reggae version of my song Buwan. Huge shame on the other judges for not seeing this guy’s potential. What a shame. Such a shame. I’m ashamed!” sabi pa ulit ni JK.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy