Una sa Balita

Jiro Manio madalas pagtripan ni Zeus

0 541

Kung kailan nagbagong buhay na si Jiro Manio at mas pinili ang tahimik at simpleng buhay, heto at may dumating na naman na panibagong unos sa buhay niya.

Nakakulong ngayon ang dating child actor sa Calumpang Police Station. Inaresto siya ng mga awtoridad ­dahil sa pananaksak niya sa isang nagngangalang Zeus Doctolero.

Nakausap ng ­aming kaibigan ang isang ­kamag-anak ni Jiro na si Jennifer para alamin ang dahilan ng pananaksak nito. Ayon kay Jen, napagtrip-an daw kasi si Jiro ni Zeus.

Pauwi na raw ito galing sa trabaho nang makasalubong nito si Zeus at bigla na lang daw nitong hinampas ng helmet sa ulo ng dalawang beses ang dating aktor. Sa lakas daw ng hampas ay bumagsak si Jiro at nung nakatayo na raw ito ay lumaban at naglabas ng bread knife at sinaksak nga raw nito si Zeus.

At kaya naman daw may dalang bread knife si Jiro ay para proteksiyon nito sa mga may gustong mang-trip sa kanya. May testigo na rin daw si Jiro na siyang makakapagpatunay na talagang inunahan siyang saktan ni Zeus.

Malamang kung hindi niya naunahan ay siya ang masasaktan ng ganun, o baka ­namatay pa. Sana maayos na ang lahat at kawawa ­naman si Jiro na pilit ­nagbabagong buhay.

Sinulog dinumog ng mga artista

Taon-taon kapag sumasapit ang Sinulog sa Cebu City ay santambak ang mga tao na nanggagaling hindi lamang sa Luzon kundi pati sa Mindanao na sumasali sa annual Sinulog Festival.

Sa mga taga ­Mindanao ay parang Manila sa kanila ang Cebu. Kaya naman dagsa rin dito ang mga artista from two rival networks.

Napanood namin ang mall show sa ­Robinson Galleria ng grupo nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at iba pa. Mainit silang tinanggap ng mga Cebuano na aliw na aliw sa mga presentation nila.

Alden pinaligaya ang matatanda sa Batangas

Para sa mga nangu­ngulit na basher, heto nga at nag-post tuloy ng ­relief good operation si Alden ­Richards sa mga Taal victim sa Batangas sa tulong ng kanyang mga supporter.

Hindi lang tulong kundi ang mainit na pagdamay ni Alden sa mga biktima ng Taal ang ipinadama niya. Ang mga matatanda ay masayang nakapiling siya, kaya ka­yong mga basher ay tumulong na lang kayo at hindi puro satsat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More