Una sa Balita

Jinri nagbanta sa manunubang kompanya

0 395

Marami ang nagulat nang biglang may ‘di inaasahang pagbabanta na ipinost ang dating PBB Housemate na si Jinri Park sa kanyang Twitter.

“I’ve been waiting for too long. A lot of companies owe me my talent fee, almost 5years now. If you guys don’t pay me anytime soon I will expose you all. Please pay your talents ASAP,” tweet ng modelo.

Marami ang nagtaka kung anong kompanya kaya ang kanyang tinutukoy.

Iniisip ngayon ng mga fan kung madadala kaya ang mga pinatutungkulang kompanya o tuluyan niyang ilalantad ang mga ito.

Gayunpaman, patuloy ang pagbubusisi ng mga netizen kung ano nga kayang kompanya ang sinasabi niya sa tweet.

Bumuhos din ang suporta sa model at tinulungan ito ng mga fan na ipaglaban ang kanyang karapatan.

Kung babalikan ang kanyang mga TV exposure, dati siyang napabilang sa “PBB: Lucky 7” noong 2016, may mga ilang serye rin siya noon sa GMA noong 2017 hanggang 2018 at naging model din siya sa FHM.

Kaya labis ang pagtataka ng mga netizen kung alin sa mga ‘yon ang hindi nagbabayad nang tama sa kanya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More