Una sa Balita

Jinri at David, magdyowa na

By
0 5

Hindi tinantanan nina Heart Evangelista at Valeen Montenegro ang mga co-stars nila sa primetime teleserye na My Korean Jagiya na sina David Kim at Jinri Park hanggang hindi umaamin ang dalawa na nagkakagustuhan na sila.

Sa isang Instagram Story ni Heart, kinunan niya ng live video sina David at Jinri habang nagde-date ang dalawa. Pero nandoon sila ni Valeen para kulitin sila.

Kitang-kita na very sweet ang dalawa pero dahil nandoon sina Heart at Valeen kaya medyo nahihiyang magsalita sina David at Jinri.

Pareho naman daw single ang dalawa at pareho naman silang taga-South Korea. Kaya para kay Heart ay perfect match sila.

Dinagdagan pa ni Heart ng mga heart emojis ang video niya para kay David na mukhang puwedeng seryosohin si Jinri.

Gumaganap si David bilang si Jin Hu, ang nakakatandang kapatid ni Jun Ho (Alexander Lee) na umagaw sa Pinay girlfriend nitong si Cindy (Valeen).

Si Jinri naman ay Hannah Lee, ang babaeng magiging stalker ni Alexander Lee.