Una sa Balita

Jinkee tinarayan ang sumita sa kanyang luho

By
0 3,177

Ang taray ng naging sagot ni Jinkee Pacquiao sa nam-bash sa kanya kaugnay ng pagiging maluho umano ng kanilang pamilya. Bina-bash kasi ang wife ni Sen. Manny Pacquiao na mahilig daw itong magmalaki o magyabang ng mga luho ng pamilya, mula sa mga branded na gamit hanggang sa kanilang mga travel.

Bakit daw ang hindi na lang i-share sa mga mahihirap lalo na sa mga walang bahay ang yaman nila imbes na ipangalandakan sa social media ang mga mamahalin nilang damit, bags o sapatos at iba pa, lalo pa’t nagmamalaki silang maka-Diyos?

Sumagot si Jinkee, “Will send you pics for 500 houses in Gen-San and Saranggani.”

O ang taray, ‘di ba? Aba, madami ‘yung 500 na houses na balita ngang ipinagawa nina Manny at Jinkee para sa mga kababayan nila!

Sarah pagod at gusto nang mag-quit sa showbiz

Tunay namang nakakaawa si Sarah Geronimo sa naging karanasan niya sa isa sa mga leg ng kanyang US Tour kaugnay pa rin ng This 15 Me anniversary concert niya.

Sa pinag-uusapang YouTube video ng kanyang naging emote at pag-walk out sa stage nang hindi tinapos ang isang kanta, paulit-ulit na paghingi ng sorry ang ginawa ng pop royalty.

Maging si Mommy Divine ay balisang-balisa sa inasal ng anak, at ramdam mo ring nahihirapan ito sa anumang pinagdaraanan ni Sarah.

‘Empty’ ang kabuuan ng pagkalungkot at paghahanap ng kasiyahan ni Sarah sa kanyang ginagawa na naikumpara pa niya sa idolo niyang si MJ o Michael Jackson.

Halatang-halata talagang pagod na ito at tila nagtatalo nga kung para sa sarili pa ba niya ang kanyang ginagawa o kanino?

Nauunawaan namin si Sarah at hinahangaan pa rin. Ang feeling namin ay ‘napuno’ na ito and yet wala itong maramdamang totoong kasiyahan kaya’t feeling empty pa rin siya.

Hindi kami magugulat kung sa puntong ito ng kanyang career ay hilingin din niya uling mag-sabbatical o pansamantalang magbakasyon sa showbiz, gaya ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

Ibigay natin sa kanya ‘yun as she deserves to find her real self na ‘buo’ bilang isang tao at babae!

Matteo gustong lumipad pa-US para pasayahin si Sarah

Nakakabilib din ang suportang ipinaramdam ni Matteo Guidicelli after nitong malaman ang nangyari sa girlfriend.

Ini-assure nito ang gf na nandiyan siya at never niya itong iiwanan. Ayaw man naming sabihing baka masundan ito ng mas seryosong usapin hinggil sa pag-settle nila as couple, pero mukhang sa ganu’n papunta ang lahat.

They are both of age at pareho naman silang naghahanda na, at sana nga ay si Matteo na ang kalahati ng kabuuang pagkatao na gustong punuan ni Sarah.

Hmmm… hindi kaya biglang lumipad papuntang USA si Matteo dahil sa pangyayari, lalo pa’t may mga natitira pang leg ng naturang US Tour ng Sarah concert? Feel na feel mo nga na gusto niyang lumipad agad-agad pa-America para pasayahin ang kanyang girlfriend, pero napakarami nga lang niyang trabaho ngayon sa Pilipinas.