Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jinkee atras sa laban kay Binay

0 266

Sobrang generous talaga ni Vicki Belo sa mga empleyado niya.

Laging handang tumulong si Vicki sa kanila lalo na kung may nagkakasakit o naoospital. She would gladly shoulder the hospital bill. Kasalukuyang nagbabakasyon sa Paris ngayon si Belo.

Sabi niya nang kumustahin ko sa text: “I came to Paris to take a break from Manila sana.”

At sa sobrang bait ni Belo, sinama niya ang kanyang trusted and very lucky personal assistant to her trip para makapag-enjoy rin.

“I brought my personal assistant with me so she could take a break, too,” sey ni Belo.

At mukhang mahaba-haba silang makakapag-relax, because they will be back to Manila by mid-August.

Anyway, isa sa mga celebrity endorser at kaibigan din ni Vicki ay si Jinkee Pacquiao, na mainit na pinag-uusapan ngayon, tulad ng asawa niyang si Senator Manny Pacquiao, kasunod ang lumabas na isyu na tatakbo raw ito bilang alkalde ng Makati City next year.

Pero sa kabila ng usap-usapan na ‘yan, nananatiling tikom ang bibig ni Jinkee na nasa Amerika ngayon para nalalapit na laban sa boksing ng asawa niya sa isang buwan.

Bagamat hindi na nasagot ni Jinkee ang tanong ko kung tatakbo nga ba siyang Mayor sa Makati noong magka-chat kaming dalawa sa viber, dahil sa naisulat ko noong isang araw dito sa column ko tungkol kay Pacman, mariing pinabulaanan ng manager ng mag-asawa na si Arnold Vegafria (franchise owner ng Miss World Philippines, kaya bising-busy para sa preparation ng gaganaping coronation night sa darating na July 25, 2021, Sunday) na naka-chat ko rin sa viber the other day na walang katotohanan ang balitang tatakbo biilang mayor ng Makati si Jinkee sa 2022 elections.

“She will not run, hahaha,” sagot ni ALV.

So, hindi nga matutuloy ang laban nila ni Mayor Abby Binay, ha! Na una ngang lumabas sa social media.

Kahit naman sa interview ni Belo kay Jinkee sa YouTube, wala na raw talagang planong bumalik sa politika ang misis ni Manny matapos niyang maging Vice Governor ng Sarangani Province ilang taon na rin ang nakakalipas.

Noon daw kasi ay may mga mali siyang naisagot sa tanong noong nanunungkulan pa siya, na inamin niya with all honesty at kababaang-loob, kaya pakiramdam ni Jinkee ay hindi talaga para sa kanya ang politika.

Aktres laos na, lipstick nilangaw sa merkado

Nasaan na raw ang mga supporter ng isang aktres, tanong ng mga tao mula sa isang cosmetic line?

Mahigit isang taon na raw kasi na hindi gumagalaw ang sales ng ine-endorse ng aktres na lipstick!

Understandable naman daw na pandemic pa rin at may mga bagay na mas kailangang unahing bilhin kesa sa lipstick. Pero bakit naman daw ‘yung ibang cosmetic products ay nabibili pa rin through online at sa store mismo.

Nabawasan na raw ba ang kasikatan ng aktres at nawala na ang ardent fans ng aktres? Baka mas bagay raw na chocolate na lang ang i-endorse niya.

Eh, bakit hindi na lang kaya i-promo ng buy 1 take 1 para maubos na ang stocks bago pa ma-expire nang ‘di masayang, devah? Ewan ko lang kung ‘di kayo dumugin ng mga girlash, vaklush at makeup artist!

Leave A Reply

Your email address will not be published.