Una sa Balita

Jinggoy team owner, manager, coach pa

0 1,044

IPINAMALAS ng nagtatanggol na kampeong San Juan Knights ang malalim na pagsasamahan, kumpiyansa at tiwala matapos na pansamantalang hawakan ni dating Senador Jinggoy Estrada ang koponan tungo sa makasaysayang panalo Martes ng gabi kontra Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ikinatuwa ni San Juan Knights coach Randy Alcantara ang pagwawagi ng koponan sa ilalim ng pagmando ni team owner/manager Jinggoy Estrada na kung saan nakapagtala ng kasaysayan ang koponan sa bagong MPBL record ni John Wilson na kinolektang 44 puntos.

“Nag-acting coach muna siya kasi nagsabay ang mga schedule ng mga laro namin,” sabi ni San Juan Knights coach Randy Alcantara, patungkol kay Estrada na ginabayan ang koponan sa 102-97 overtime win kontra Pampanga Giant Lanters sa home court ng huli sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

“Siya na siguro ang unang team owner/manager na nagawang mag-coach at maipanalo ang koponan,” sabi lamang ni Alcantara, na kumpiyansa sa kanyang mataas na opisyal dahil sadyang mahilig sa larong basketball at nakikinig din sa taktika ng koponan.

Si Alcantara ang siyan ding kasalukuyang head coach ng Mapua Institute of Technology (MIT) sa NCAA.

Nagawa din magtala ng miyembro ng San Juan Knights na si John Wilson na tinanghal na Best Player of the Game matapos na magtala ng kabuuang 44 puntos sa 14-of-26 field goal shooting na siyang pinakabagong MPBL record habang kumulekta din ito ng siyam na rebounds at naghulog ng 9 of 17 sa 3FG.

Kasalukuyang nangunguna sa North Division ang Knights sa bitbit nitong 13-1 panalo-talong kartada kung saan muli itong nakapagtala ng tatlong sunod na panalo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy