Una sa Balita

Jinggoy patok sa Senado

0 913

Kung ngayon gagawin ang hala­lan, isa si dating Senador Jinggoy Estrada sa 12 mananalong kandidato sa pagka-senador.

Base sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Disyembre 14-21, 2018, si Jinggoy ay nakakuha ng 36.3 percent at tabla sa ika-8 puwesto.

Sa hiwalay na survey ng Social Weather Station noong nakaraang buwan din, ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada ay nakakuha naman ng 33 percent na pasok sa ika-9 na puwesto.

Natapos ang termino ni Jinggoy noong 2016 at tatlong taon na namahinga sa politika pero hindi naman tumigil sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa nangangailangan.

Hindi pa natatalo sa senatorial­ election si Jinggoy sa dalawang beses na pagtakbo nito. Una noong 2004 election kung saan isa siya sa naging pambato sa pagka-senador ng hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Tumakbo siya ng reeleksyon noong 2010 sa ilalim ng Puwersa ng Masang Pilipino kung saan tumakbo sa pagka-presidente ang amang si dating Pangulong Estrada.

Nakakuha siya ng 18.9 milyong boto at muntik pang maging topnotcher nang maungusan ng kanyang kaibigan na si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Nagpasalamat naman si Jinggoy sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng ginawang paninira sa kanya ng ilang opisyal ng nagdaang administrasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy