Una sa Balita

Jinggoy patok sa Pangasinan

0 922

Malamig ngayon ang panahon dala ng hanging amihan, pero mainit na tinanggap ng mga Pangasinense si dating Senador Jinggoy Estrada nang dumalaw ito sa lalawigan noong nakaraang linggo.

Sinuyod ni Jinggoy ang mga siyudad ng Dagupan at Urdaneta gayundin ang mga munisipalidad ng Pozzorubio, Manaoag, Binmaley,­ Malasique, Bautista, Alcala at Sto Tomas sa Panga­sinan. Hindi katulad ng ilang politiko na nilalangaw ang pagbisita sa mga lugar na ito, dinumog naman ng mga tao ang anak ni dating Pangulo­ at Manila Mayor Joseph Estrada.

Mula sa mga tricycle driver, mangingisda at magsasaka, hinarap ito ng dating senador at nangakong magbibigay ng tulong para sa ikagaganda ng kanilang pamumuhay. Ang Pangasinan ay isa sa kinikilalang ‘rice bowl’ ng Pilipinas.

“Magbibigay tayo ng farm inputs para mapalaki ang inyong mga ani,” pa­ngako ni Estrada sa mga magsasaka.

Lahat gustong maka­daupang palad ang dating senador, habang ang iba ay nagpa-selfie upang maipagmalaki sa kanilang mga kaibigan sa Facebook ang masayang encounter nila kay Jinggoy.

Kuwento tuloy ng isang mamamayan, hindi tumalab­ ang ginawang paninira ng mga dating opis­yal ng gobyerno kay Jinggoy. Mainit kasing tinanggap ng mga Pangasinense ang tinaguriang Anak ng Masang Pilipino.

Nagpasalamat naman si Jinggoy kay Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez at sa iba pang opisyal na nagbigay ng suporta sa kanyang pagbisita.

Ang Dagupan City ang itinuturing na ‘Bangus Capi­tal of the Philippines’ dahil dito matatagpuan ang masasarap at walang amoy burak na bangus.

“Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa inyong lingkod! Sa mga Punong Lungsod at mga Punong Bayan na suma­lubong po sa amin, maraming sala­mat po sa inyong mahalagang oras! Mabuhay ang mga Pangasinense!” ayon kay Jinggoy sa pinost nitong mensahe sa Facebook.

Ang Pangasinan ay may kabuuang populasyon na 3 milyon, kung saan higit sa 1.7 milyon ang rehistradong botante ng lalawigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy