Una sa Balita

Jinggoy kinotongan sa plunder case

By
Jinggoy Estrada
0 6

Inayunan ni dating Senador Jinggoy Estrada­ ang alegasyon ni Pangulon­g Rodrigo Duterte hinggil sa katiwalian sa Office of the Ombudsman dahil maging siya ay muntik na umanong mabiktima ng ganitong kalakaran.

Sa ambush interview sa Sandiganbayan kaha­pon matapos dumalo sa pagdinig sa kanyang kasong plunder, pinatotohanan ni Estrada ang alegasyon ni Duterte na nagtulak sa Pangulo na bumuo ng isang commission na mag-iimbestiga sa tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“Naniniwala ako dun,” ani Estrada nang tanungin hinggil sa alegasyon ni Duterte dahil noong nag-iimbestiga na umano ang Ombudsman ay mayroong isang field investigator ang lumapit sa kanyang kampo at humingi umano ng pera kapalit ng pagbababa sa kaso.

“Ay hindi ko sasabihin kung sino. Eh para lang sinasabi nila na merong nag-approach sa akin, hindi naman directl­y sa akin, thru an emissary humihingi sila ng pera sa akin, ‘di ako pumayag dahil alam ko malinis ang konsensya ko,” ani Estrada.