Una sa Balita

Jinggoy, JV nagbangayan sa pagkatalo

0 278

TINANGGAP na ni da­ting Senador Jinggoy Estrada ang pagkatalo sa nakaraang senatorial elections.

Sa isang Facebook post, binati ni Estrada si Senador Nancy Binay na lamang kay Senador JV Ejercito ng 230,000 sa 12th spot ng partial at official result.

May pitik naman sa kapatid na si JV ang ginawang pagbati ni Estrada kay Binay.

“You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend,” saad ni Estrada na nasa ika-15 puwesto.

Ginamit na campaign slogan ni Jinggoy ang ‘Tunay na Estrada’, samantalang ‘The Good One’ naman ang pinagmamalaki ni JV.

Sinisi naman ni Ejercito ang kapatid sa napipinto niyang pagkatalo sa darating na halalan.

Ayon kay Ejercito, nakaapekto ang pagtakbo ng kanyang half brother kaya hindi siya nakapasok sa Top 12 ng senatorial race.

Aniya, bihira ang boboto ng dalawa mula sa isang pamilya ng kandidato.

Dagdag ng senador, kahit konsehal, board member o kagawad ang tatakbuhin ng mga ka­patid ay tiyak na malilito ang kandidato o kaya ay isa lang talaga ang pipiliin.

Sinabi pa ni Ejercito na kalat o marami sa kanilang pamilya ang kumandidato sa katatapos na eleksyon kaya marami sa kanila ang talunan.

Nauna nang tinanggap ng kanilang ama ang kanyang pagkatalo at nagpasalamat pa ito sa suporta ng mga Manilenyo sa dalawang termino ng kanyang liderato. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy