Una sa Balita

Jinggoy, Jake mag-ama na sa pelikula

0 391

Gulat na gulat ang mga manunulat sa role nina former Sen. Jinggoy Estrada at Jake Ejercito. Sa tunay na buhay kasi ay magkapatid sila.

Pero sa pelikulang “Coming Home” ay mag-ama sila. Hindi ba awkward na ang kapatid mo ay gaganap na anak mo?

“Hindi naman. Pelikula lang naman ito,” sabi ni Jinggoy.

Sa Satruday na nga raw sila magsyusyuting dahil plano nilang isali ito sa Summer festival ng MMFF. At isa nga sa ginawang preparasyon ni Jinggoy ay ang magpapayat.

“Well, diet unang-una. Dahil overweight nga ako. In fact, 10 pounds na rin ang nawala. One month ‘yon.”

Bakit hindi niya binalikan ang action na nakasanayan niya? Bakit drama-comedy?

“Hindi na maniniwala ang mga fans na nakikipagsuntukan pa ako, nakikipagbarilan pa ako. So, dramedy na lang,” kuwento ni Jinggoy. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More