Una sa Balita

Jinggoy ibalik sa selda – Napoles

0 493

NAKAHANAP ng butas ang negosyanteng si Janet Lim Napoles sa kinakaharap na plunder at graft case kaugnay ng pork barrel scam matapos nitong kuwestyunin ang ipinagkaloob na bail ng Sandiganbayan kay dating senador Jinggoy Estrada.

Ayon sa tinaguriang pork barrel scam mastermind na si Napoles, kung si Estrada ang itinuturing ng anti-graft court na main plunderer ay bakit pinayagan nila itong makapagpiyansa.

Ito ang naging argumento ng mga abogado ni Napoles nang muling maghain ng petisyon sa Sandiganbayan Fifth Division para i-dismiss ang kaso ng kanilang kliyente.

Binanggit ng abogado ni Napoles na si Roni Garay, pinayagan ng Sandiganbayan si Estrada na makapagpiyansa dahil sa kabiguan ng prosekusyon na matukoy kung sino ang main plunderer.

Pero ang Sandiganbayan, nanindigan na ang main plunderer ay ang public official na sangkot sa kaso. Noong nangyari ang pork barrel scam, si Estrada ang public official dahil senador ito nang mangyari ang sinasabing transaksyon sa mga pekeng non-government organization ni Napoles.

Dahil sa magkasa­lungat na posisyon ng Sandiganbayan, hiniling ni Napoles ang pag-dismiss ng kanyang kaso.

Sinakyan ng kampo ni Napoles ang jurisprudence sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan dapat munang matukoy ang main plunderer kung ang mga sangkot ay pawang mga opisyal ng gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy